Two Zero One Six

2015 was a series of ups and down para sa akin. Pero ung 2016 para sa akin ay year of moving on. Year of letting go and letting God.

I’ll summarize 2016 in 5 letters –

W.F.N.L.L.

WORK.

Start pa lang ng 2016 binigyan ako agad ni God ng new work. Indeed it was very challenging! Bagong work sa bagong place, sa bagong set of colleague and set of friends. Pero very heart warming and accomodating ung approach nila. Makikita mo yung family bonding sa office. Kahit minsan may awayan at di pagkakaunawaan. Normal naman siguro ‘to in every office ee.

Naranasan kong abutin ng ulan at pumila ng mahaba kasi Manila ang place ng work ko. Yung bang tipong mababaw naman yung baha pero di ko maiwasang sabihing ‘Kadiri’ kasi promise ang lagkit nya pag natutuyo na. Tapos yung pila na kung init ng ulo ang paiiralin mo wala kang kapupuntahan. Tapos as ‘always’…. yung init at polusyon bongabels talaga. Haha! Naranasan ko din yung 5-7 hours na byahe tuwing Friday kapag uuwi ako ng Batangas kung dadaan ka ng EDSA. Luckily nalaman ko na mas maluwag pala sa C5 dumaan kapag traffic much ang EDSA. Haha.

FRIENDS.

Friends na anjan lang palagi. Kahit ba magkakalayo na kami ng places, may time pa rin kami na magkita-kita kahit paminsan-minsan. Kahit may ka-toyoan na nagaganap paminsan-minsan. Yun bang tipong bigla na lang magcha-chat sayo na ‘Ayoko ko na talaga!” in the middle of the night na hindi na ko makatulog kasi nakakapag-alala. Gusto ko tuloy magmention ng name! Pero wag na lang! Pero sana mabasa mo to! Haha.

NEW FRIENDS.

PSA! Kung single kayo at blogger kayo join us! Very very…. Ewan. Nakakaspeechless. No words can describe. Even though sa internet lang yung una kita-kita we remain friends beyond the e-lines. More to come sa 2017! More drawings at sana maganda na kulay nito. Haha.

LEISURE.

Yay! Sa year na to talaga ako nakapagtravel. Sagada, Banawe, Baguio, Rizal, Cavite, Tagaytay! Sana more to come pa sa 2017.

Lastly.

LIFE.

Haha. Wala ako ilalagay dito ah. #JustAsItIs

This slideshow requires JavaScript.

 

Marami pa talagang ipagpasalamat. Kaso baka abutin ako ng isang taon muli para mabanggit lahat-lahat. Kaya higlights na lang muna.

This is what my 2016 is. What’s yours then?

Advertisements

5 thoughts on “Two Zero One Six

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s